Friday, March 25, 2016

Ikapitong huling wika

"Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking espiritu"

Lukas 23:46


Maaaring nasabi ni Hesus, "Naganap na" kaya nararapat lamang niyang sabihin, "Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking espiritu."

Ngunit ang paghahabilin na ito'y may dawalang kahihinatnan:

Una, nagsanhi ito ng paghahawi ng tabing ng templo, Tapos na ang panahon ng sacripisyo ng Israel at nagbigay daan sa sakripisyo ni Hesus.  Ang templo ay wala na.  Ang pagkahawing ito ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga tao lalo na sa mga pumatay kay Hesus.

Ikalawa, nagdulot ito ng kaligtasan, pag-asa, at pananambit ng pananampalataya, "Ito ay isang makatuwirang tao" o "Tunay ngang ito ang Anak ng Diyos."  Ang Espiritu ni Hesus ay nagdulot ng kaligtasan sa mga taong nauna nang namatay ngunit sinasambit ang pagka-Diyos ni Kristo.

Alinman ang reaksyon natin ngayon, ito ang mahalaga: "Inihabilin ni Hesus, hindi ang kanyang maka-Diyos na Espiritu, kundi ang kanyang makataong espiritu, isang kaluluwang tulad natin.  Naghahabilin si Hesus ng kanyang espiritu alang-alang sa atin.  Sa kanyang pamamagitan,  tatanggapin ng Diyos Ama ang ating espiritu.

Tila ang pagkakaalam natin sa ating buhay ay may dalawang daigdig: isang makalupang buhay na abala sa mundo at isang daigdig na espiritual at nakaalay sa Diyos.  Ngunit sambitin natin ang mga salitang ito, "Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking espiritu."  Hindi ba iisang lang talaga ang ating daigdig?  Ang lahat ng ating mundo mundo na ng Diyos.  Tayo'y mga kaluluwang na nakapaloob sa ating katawan at umaasa na aakyat sa Kaharian ng Diyos sa takdang panahon.

Ito ang kwento ng ating buhay: bawat galaw, bawat desisyon ay hindi nakabaon sa lupa.  Dapat ito'y nakasandig kay Hesus na siyang makapagpapaakyat sa atin sa Diyos Ama.  Ano man ang gagawin natin, piliin natin ang maka-Diyos na gawain.


No comments:

Post a Comment